Dear stress reliever,
Marami ako gustong puntahan ngayong sembreak, kaso wala naman akong kasama. Too bad, my friends arent available (all the time?) :( I wanna make the most out of my last sem break, pero di ko magawa. Huhuhuhu.
IM REALLY FEELING SAD! :(
--------
But to compensate this sadness, I made a poem in the middle of the night. Just sharing!
Bakas ng dinsol
Malapit ko nang masilayan ang pamimitak ng araw
at sinisimulan ko na ang pag-agos
ng mga salita mula sa gripo na
dadaloy sa puting blankong papel na ito.
May ilang kataga na 'kong nabitawan,
tulad nito lamang,
subalit hanggang ngayon,
naghihimutok ang aking utak
at patuloy pa ring tumatakbo
sa paghahagilap ng talinhaga.
Nasasabik na akong masulyapan ang katapusang nais,
ngunit ang malawak na kalupaan ng imahinasyon
ang siyang pumupukol ng malaking hamon sa akin
na isalansang mabuti ang mga bagay na ito
at sa huli, mailathala.
No comments:
Post a Comment